P3K BONUS SA TEACHERS

Secretary Leonor Magtolis-Briones

MAGANDANG balita para sa mga teaching at non-teaching personnel ng Depart¬ment of Education (DepEd).

Inanunsiyo ni Education Secretary Leonor Magtolis-Briones na makatatanggap ang mga teaching at non-teaching personnel sa lahat ng governance levels ng P3,000 bonus bilang bahagi ng pagdiriwang ng anibersaryo nito sa Disyembre.

Ang anunsiyo ay unang ginawa ni Briones sa selebrasyon ng World Teachers’ Day sa Ormoc City noong Oktubre 5, at inulit sa pagpupulong ng mga miyembro ng  Executive Committee ng ahensiya at ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) – Philippines sa SEAMEO INNOTECH sa Quezon City noong Oktubre 26.

“We’re already working on it, and preparing for it. Before December, we’ll make sure that it is already downloaded and available on or before DepEd’s anniversary,” pahayag ni Undersecretary for Finance – Budget and Performance Monitoring Annalyn Sevilla.

Tiniyak din ng DepEd sa organisasyon ng mga guro na bumabalangkas na ito ng mga panuntunan base sa policy statement alinsunod sa DepEd Order No. 16, s. 2018 na may pamagat na “Implementing Guidelines on the Release and Use of Funds for Fiscal Year 2018.”

“Per the recommendation of the National Historical Commission of the Philippines, DepEd adopted December 20, 1863 as its foundation date considering its predecessors, the oldest of which being the Comision Superior de Instruccion Primaria.”

Matapos ang serye ng diyalogo, ang naturang miting na pinamunuan ni Undersecretary at Chief of Staff Nepomuceno Malaluan, ay nagsilbi ring venue upang higit na maliwanagan ang iba’t ibang isyu na ang karamihan ay kasalukuyan nang tinutugunan, at ipinatutupad ng DepEd, kabilang ang probisyon ng Special Hardship Allowance (SHA) at teaching overload honoraria.

Dumalo rin sa pagpupulong sina Undersecretaries Jesus Mateo at Victoria Catibog, Assistant Secretary G.H. Ambat at Director Ma. Lourdes Pantoja.

“This growth in the food service industry will provide greater opportunities for exports of U.S. food and beverage products to the Philippines,” dagdag pa nito. CLAUDETH MOCON CIRIACO

Comments are closed.