P4.1-B SA NAT’L ID SYSTEM GAGASTUSIN NG GOBYERNO

National ID

PLANO ng pamahalaan na maglaan ng  P4.1 billion para mapabilis ang pagpapatupad ng national ID system sa susunod na taon, pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga mambabatas.

Nauna nang sinabi ng Pangulo na maaaring nalutas ng national ID system ang discrepancies sa pamamahagi ng cash aid sa low-income families na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

“To assist in cleaning up the registries of 4Ps [Pantawid Pamilyang Pilipino Program] and other means-tested programs as well as enable the faster provision of financial subsidies to the poor, a total of P4.1 billion will likewise be allotted to fast-track the implementation of and registration to the Philippine Identification System (PhilSys),” wika ni Duterte sa kanyang mensahe sa panukalang  P4.506-trillion 2021   national budget.

Ipinanukala rin niya ang P85-million budget para sa community based monitoring system upang tulungan ang local government units sa pagpapahusay sa kanilang local residence registries, na susuporta sa PhilSys sa pagtarget at paghahatid ng economic at social services, lalo na sa panahon ng mga kalamidad at sakuna.

Layunin ng  PhilSys na itugma, pagsamahin at i-interconnect ang redundant government IDs sa pagpapatupad ng isang national identification system.

Ang national ID ay maglalaman ng PhilSys number, full name, facial image, sex, date of birth, blood type, at address ng concerned individual.

Nilagdaan ni Duterte ang Philippine Identification System Act noong August 2018.

Comments are closed.