P4.1-M TULONG NG GOV’T NAIBAHAGI SA PAENG VICTIMS

NAKAPAMAHAGI  na ang gobyerno ng P4.1 milyon na tulong sa mga biktima ng bagyong Paeng.

Ayon sa Office of the Press Secretary (OPS), nasa P1.5 bilyon ang pondo ng gobyerno para sa pamimigay ng relief.

Nasa P445.2 milyon sa standby funds at quick response fund.

Ipinamamahagi na rin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mahigit P1,000,000 halaga ng relief goods.

Pinaalalahanan naman ng Palasyo ng Malakanyang ang publiko na maging alerto kaugnay sa pananalasa ng naturang bagyo.

Sumampa na sa 72 ang naitalang bilang ng mga nasawi dahil sa bagyong Paeng.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 67 rito ay nagmula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), tatlo ang galing sa Region 12 at dalawa sa Region 6. DWIZ882