P4.1-T 2020 BUDGET APRUB NA

SEN SOTTO-2

SA BOTONG 22-0-0 ay aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang P4.1-trillion national budget para sa 2020.

Agad na bumuo si Senate President Vicento Sotto III ng 15-man bicameral conference committee panel na makakasama ng 13-man counterpart sa House of Representatives.

Layon ng bicameral conference committee na ayusin at plantsahin ang ilang probisyon sa General Appropria-tion Act (GAA) alinsunod sa House Biil 4228.

Pamumunuan ni Senate Finance Committee chairman Sonny Angara ang Se­nate bicameral panel, kasama sina Senate President Pro Tempore Ralph G. Recto, Se­nate Minority Leader Franklin M. Drilon at Senators Panfilo M. Lacson, Imee R. Marcos, Cynthia A. Villar, Pia S. Cay-etano, Christopher Lawrence ‘Bong’ Go, Sherwin Gatchalian, Risa Hontiveros, Richard J. Gordon, Joel Villanueva, Nancy Binay, Grace Poe and Francis N. Pangilinan.

Kasabay nito, binati nina Drilon at Go si Angara sa maayos at mabilis na pagkakaapruba ng 2020 national budget.

Gayundin, pinasalamatan ni Go si Angara para sa karagdagang P7 billion na pondo ng Department of Health (DOH) na makatutulong nang malaki para masiguro na walang maiiwan na nurses o iba pang health workers mula sa hanay ng mga kawani ng ahensiya.

Umaasa ang senador na hindi na maulit pa ang pagkakaroon ng re-enacted budget.

‘’Let us work ­double time,’’ pahayag niya upang maisumite agad ang panukalang 2020 GAA sa Malakanyang bago matapos ang taon. VICKY CERVALES