SINERTIPIKAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang urgent ang pagpasa sa panukalang P4.1 trilyong national budget para sa 2020.
“He wants the members of Congress to know the importance of passing the budget on time to avoid a repeat of last year’s de-lay of its passage that wreak havoc in the economic program of the Administration and affected the delivery of basic services to the people and ultimately, slowed our growth during the first quarter of this year,” wika ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.
Sa kanyang liham kina Senate President Vicente Sotto III at House Speaker Alan Peter Cayetano, tinukoy ng Pangulo ang kahalagahan ng agarang pagpasa sa pambansang budget na layuning mapanatili ang tuloy-tuloy na operasyon ng gobyerno.
Ayon kay Panelo, nais lamang mapabatid ng Pangulo sa mga mambabatas ang kahalagahan ng agarang pagpasa sa General Appropriations Bill.
“Government operations must never be hampered and our constitutional mandate to serve the Filipino people must prevail over partisan considerations and constant differences or varying interpretations on the budget,” giit ni Panelo
Isinisisi ng gobyerno sa naantalang pagpasa sa 2019 budget sa pagbagal sa economic growth ng bansa sa first semester ng taon.
Ang gross domestic product ay pumalo lamang sa average na 5.55 porsiyento sa first half, mas mababa ng mula 6 hanggang 7 porsiyento sa GDP growth target para sa taong kasalukuyan.
Ang P3.757-T budget para sa taong ito ay naipasa lamang noong nakaraang Abril kung kaya ang operasyon ng gobyerno sa unang mga buwan ng taon ay reenacted budget lamang. EVELYN QUIROZ
Comments are closed.