(P4.1M shabu nasamsam) PARAK, HVI, 2 PA TIMBOG SA BUY BUST

CEBU CITY- NASA P4.1 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isinagawang joint bust bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Cebu City PNP kamakalawa ng gabi.

Sa ibinahaging ulat ni Cebu City Police Office Director, Col. Ireneo Dalogdog, isang high value target ang nasakote ng kanilang mga tauhan sa isinagawang buy bust operation sa Barangay Bulacao.

Tinatayang nasa 600 gramo ng shabu ang nakuha sa suspek na hindi muna kinilala sanhi ng isinasagawang follow up operation para matukoy ang source ng droga na hinahanguan ng bigtime pusher.

Ayon pa kay Dalogdog. “tuloy tuloy lang ang aming kampanya kontra ilegal na droga, katuwang ang PDEA..

Samantala isang pulis naman at dalawang kasama nito ang nahuli ng mga tauhan ng PDEA-Bangsamoro Autonomous Region (PDEA-BAR) sa Cotabato City.

Nakilala ang mga suspek na sina Patrolman Jassim Mohammad Aking at dalawang kasama nito na sina Sandatu Macmod at Fatima Usman.

Ayon kay Cotabato City Police Director Colonel Quiruben Manalang na nagsagawa ng buy bust operation ang mga tauhan ng PDEA-BAR katuwang ang pulisya sa isang palamigan sa bahagi ng San Isidro Street Barangay Rosary Heights 10 sa lungsod.

Nasamsam sa mga suspek ang nasa 12 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P81,000.00, kasama ng object of sale na isang malaking pakete shabu na tumitimbang ng 50 gramo na may drug market value na P34,000.00.

Nakarekober din ng PDEA-BAR ang mga IDs,Cellphone, susi ng Suzuki multicab at nabawi rin ang P100,000.00 boodle money.

Sa ngayon ay nakapiit ang mga suspek sa custodial facility ng PDEA-BAR at sasampahan ng kasong paglabag sa Republic 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. VERLIN RUIZ