P4.2 M COVID-19 TEST KITS NASABAT NG PAF

TINATAYANG nasa P4.2 million ang halaga ng COVID-19 test kits ang nasabat ng mga intelligence operatives ng Philippine Air Force sa tulong ng Quezon City District Field Unit – Criminal Investigation and Detection Group (QCDFU-CIDG) sa apat na online sellers na nagbebenta ng Rapid Test Kits kamakalawa ng hapon sa Pasig City.

Ayon kay Air Force Public Affairs Office chief Ltc. Maynard P Mariano, nasa 21,000 kits (P200.00/kit) ng Konsung Brand COVID-19 Rapid Test Kits na nagkakahalaga ng P4,200,000.00 ang kanilang nakumpiska sa apat na suspek.

Dinala sa tanggapan ng QCFDU- CIDG ang mga suspek para sa follow up investigation habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9711 (FDA Act of 2009) in Relation to FDA Advisory No. 2020- 016 (Prohibition of Online Selling of FDA Certified COVID-19 Antibody Test Kits).

“Rest assured, the PAF will continue to work hand-in-hand with different government units to apprehend individuals who are illegally selling COVID-19 Rapid Test Kits,”ani Mariano. VERLIN RUIZ

66 thoughts on “P4.2 M COVID-19 TEST KITS NASABAT NG PAF”

  1. 436789 376121Hello! I just wish to give a huge thumbs up for the good information youve gotten proper here on this post. I will likely be coming back to your blog for a lot more soon. 518775

Comments are closed.