P4.2-M MEDICAL SUPPLIES NAKUMPISKA NG PNP CIDG SA 24  HOARDERS

face mask

CAMP CRAME- ARESTADO ang 24 na mga hoarder at overpriced seller ng mga medical supplies sa 48 oras na police  operation ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sa ulat ng PNP CIDG, unang naaresto sa kanilang entrapment operation ang walong indibidwal sa Velasquez Street,  Tondo, Manila matapos na magbenta ng mga overpriced face masks.

Kinilala ang mga ito na sina Ernel Vincent, Nelgielyn Indong, Girlie Bonifacio, Charles Cabulao, Rosalito Manalo, Juan Fidel Talag, Jane Aguilar at Christian Alfred Gonzales.

Sa Iligan City, arestado rin ang isang Michael Bravo dahil sa pagbebenta ng overpriced facemasks.

Sa Region 3 arestado rin sina Jimmel Angelo Jimenez, Mark Kevin at Jennifer Coronel sa magkakahiwalay na operasyon sa Olangapo City, Tarlac at Bataan dahil naman sa pagbebenta ng mga overpriced alcohol.

Sa Brgy 28 Caloocan City naman ay naaresto ang isang Archie Metiam dahil sa pagbebente ng overpriced hand sanitizer.

Sa Nueva Ecija naman tiklo rin ang apat na miyembro ng Tetano Group na kinilalang sina Bener Navarrete, Jonathan Segura, Edgardo Corpuz at Johnray Segura dahil ds pag-hoard at pagbebenta ng overpriced na mga alcohol.

Sa Cagayan De oro huli ang anim na indibidwal dahil sa pagbebenta ng overpriced alcohol, isa rin sa Sta Cruz Manila na dahil rin sa pagbe-benta ng overpriced alcohol.

Nahaharap na ngayon sa kaso ang 24 na mga hoarders at overpriced seller. REA SARMIENTO

Comments are closed.