AABOT sa P4,263,600 ang halaga ng illegal drugs na nakumpiska ng mga tauhan ng Police Regional Office (PRO) – 7 sa pamumuno ni Regional Director BGen. Roderick Augustus Alba.
Ang nasabing halaga ng droga ay nasamsam sa 83 magkakahiwalay na operasyon kung saan 100 katao ang naaresto.
Kabuuang 627 gramo ang nakuha ng mga pulisya sa iba’t ibang entrapment at buy bust operations.
Habang 198 katao naman ang naaresto sa 91 anti-Illegal gambling operations.
Anim katao naman ang naaresto dahil sa pagbibitbit ng loosefire arms habang 56 armas ang nakumpiska at isa ang isinuko.
Sa operasyon sa mga wanted person, 91 kriminal ang naikulong.
Sa ulat ni Alba kay PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr. ang mga naaresto at nakumpiskang droga sa buong Central Visayas at ang simultaneous operations ay sa loob ng isang araw, Disyembre 17. EUNICE CELARIO