P4.3-T TAX COLLECTION GOAL NG BIR-BOC SA 2024

Erick Balane Finance Insider

DOBLE kayod ang mga opisyal at tauhan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Bureau of Customs (BOC) ngayong 2024 taxable year para kolektahin ang iniatang sa kanilang P4.3 trilyong  tax collection goal.

Sinabi ni Finance Secretary Ralph Recto na bawal ang tatamad-tamad at nagkukuyakoy na tax collectors ng dalawang nabanggit na collection agencies upang matutukan ang itinuturing na pinakamataas na tax collection goal ng BIR at BOC sa kasaysayan ng pangongolekta ng buwis.

Paliwanag ni Secretary Recto, kailangang magkapit-bisig ang BIR at BOC upang kunin  ang iniatang sa kanilang tax goal.

Ang napakataas na tax goal ng BIR at BOC ay pinasyahan ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) bilang bahagi ng goverment game plan for fiscal sustainability program.

Nito pa lang buwan ng Enero at Pebrero  ay nagpamalas na ng kanilang sigasig at sinseridad sa pagkolekta ng buwis ang mga regional director at revenue district officer ng BIR sa Metro Manila, alinsunod sa kautusan ni Revenue Commissioner Romeo Lumagui, Jr.

Batay sa unang bugso ng revenue statistical collection records, nagpamalas ng ekselenteng tax collection performance sina Large Taxpayers Service Assistant Commissioner Jethro Sabariaga, Metro Manila BIR Regional Directors South NCR Edgar Tolentino, East NCR Albino Galanza, Makati City Dante Aninag, Caloocan City Gerry Dumayas (retired),  Quezon City Bobby Mailig at City of Manila Renato Molina.

Habang sa hanay naman ng RDOs ay sina  Deogracias Villar, Jr. (Taguig City), Esther Rhoda Formoso (Pasay City), Arnel Cosinas (Paranaque City), Agakhan Guro (Las Pinas City),  Dennis Floreza (Muntinlupa City),  Mary Ann Canare (Mandaluyong City), Rommel Tolentino (San Juan City), Linda Grace Sagun (Pasig City),  Alma Celestial Cayabyab (SMART – Marikina, Antipolo, Rodriguez, Teresa);  Marco Yara (Cainta-Taytay), Clea Marie Pimentel (East Makati),  Celestino Viernes (West Makati), Renan Plata (North Makati), Abdullah Bandrang (South Makati), Estrella Manalo (Valenzuela City),  Reymund Ranchez (West Bulacan), Romel Morente (East Bulacan), Fritz Buebdia (Caloocan City),  Alexander Onte (Nova. QC), Renato Mina (North-QC), Lorenzo Delos Santos (South-QC),  Ylanda Zafra (Cubao-QC),  Caroline Takata (Binondo), Rebe Detablan (Sta. Cruz), Cherry Ibaoc (Quiapo, Sampaloc, San Miguel, Sta. Mesa), Trinidad Villamil (Ermita, Intramuros, Malate), Jefferson Tabboga (Paco, Pandacsn, Sta. Ana, San Andres), at Rodante Caballero (Puerto Princesa City, Palawan).

Sinabi ni Commissioner Lumagi na sa darating na Marso 12 ay isang malawakang motorcade ang isasagawa sa lahat ng sangay ng BIR bilang bahagi ng taunang national tax campaign kaunay ng nalalapit na tax deadline sa darating na buwan ng Abril upang hikayatin ang mga business at corporate taxpayers at individuals na tumupad sa kanilang tax obligations para sa bayan at para sa tagumpay ng Bagong Pilipinas tungo sa kaunlaran ng bansa.