NASABAT ng awtoridad ang walong container van ng puslit na asukal na nagkakahalaga ng P4.4 milyon.
Ang mga nasabing shipment ay dumating sa South Harbor noong Agosto 30 mula sa China at naka-consign sa Rztrec Trading.
Una nang idineklarang steel coils o binilog na bakal ang kargamento subalit nadiskubre itong korach conditioned refined sugar sa isinagawang inspeksiyon nitong Nobyembre 13.
Kaagad nag-isyu ng warrant of seizure and tension ang Customs laban sa nasabing shipments.