P4.5 M SMUGGLED UKAY-UKAY NASABAT

ukay-ukay

CEBU-AABOT sa P4.585 milyong halaga ng used clothing o ukay ukay ang nasabat ng mga awtoridad nang tangkaing ipuslit palabas ng Port of Cebu noong unang araw ng Setyembre.

Base sa ulat, dumating sa Port of Cebu ang shipment mula sa China noong Agosto 20, kung saan idineklara sa manipesto na hotel supplies.

Kaagad na ipinag-utos ni Acting District Collector Atty. Charlito Martin R. Mendoza na isailalim sa Pre-Lodgement Control Order (PLCO) ang kargamento dahil sa nakaraang shipment ng GRR Trading ay pawang kontrabando ang nilalaman.

Noong Agosto 28, masusing dumaan sa X- Ray ang nasabing shipment saka pina-physical examination kay Customs Examiner Jay A. Oyao katuwang ang representatives mula sa Customs Intelligence and Investigation Service, Enforcement and Security Service, X-Ray Inspection Project Team, Philippine Coast Guard, Philippine Drug Enforcement Agency, at Chamber of Customs Brokers, Inc.—Cebu Chapter.

At dito bumulaga sa mga awtoridad ang 694 bulto ng used clothing o ukay-ukay kaya kaagad na nag-isyu ng warrant of seizure ang detention si District Collector Mendoza dahil sa paglabag sa Republic Act No. 4653 (prohibiting the importation of used clothing to safeguard the health of the people and maintain the dignity of the nation).

Sa kasalukuyan, ipinag-utos ng Bureau’s Action Team Against Smugglers (BATAS) at Bureau’s Account Management Office (AMO) na sampahan ng kasong kriminal at kanselahin ang importer’s accreditation ng GRR Trading. MHAR BASCO

Comments are closed.