P4.5-T 2021 NAT’L BUDGET APRUB NA SA 2ND READING SA KAMARA

KAMARA-4

AGAD  na pinagtibay sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang House Bill 7727 o ang 2021 General Appropriations Act.

Dahil dito ay napaaga rin ang break sa sesyon sa Mababang Kapulungan.

Ginawa ang pag-apruba sa P4.5-trillion 2021 national budget sa gitna ng isinagawamg privilege speech ni Speaker Alan Peter Cayetano patungkol pa rin sa isyu ng speakership.

Agad na nagmosyon si Cayetano na i-terminate na ang deliberasyon ng plenaryo sa 2021 budget at aprubahan na ito sa 2nd reading.

Sinegundahan naman ito ni Appropriations Vice Chairman Jose Antonio Sy-Alvarado.

Ginawa ni Cayetano ang mosyon na aprubahan sa 2nd reading ang pambansang pondo upang patunayan sa mahigpit nitong kalaban sa pagka-Speaker na si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na hindi niya hinohostage ang budget.

Kasabay ng pag-apruba sa 2021 budget ay sinsuspinde na rin ang sesyon ng Kamara hanggang November 16.

Binibigyan naman ang mga kongresista ng hanggang November 5 para isumite ang kanilang mga amendments sa pambansang pondo. CONDE BATAC

Comments are closed.