PASADO na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukalang pambansang budget para sa taong 2021.
Sa botong 22-0 ay tuluyan nang lumusot sa Senado ang 2021 proposed national budget na nagkakahalaga ng P4.5-T.
Dahil sinertipikahan bilang urgent bill ang panukalang pambansang budget ay naipasa ito sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa loob lamang ng isang araw.
Ito rin ang kauna-unahang General Appropriations Bill na naipasa sa pamamagitan ng hybrid hearings at session dahil na rin sa banta ng COVID-19 at sumesentro ang laman nito sa “reset, rebound and recover” dahil sa COVID-19 pandemic.
Inaasahang idaraos sa Sabado ang bicameral conference committee meeting at posible namang malagdaan sa Disyembre 9 ang bicameral report.
Inaasahan din na sa Disyembre 16 ay maipadadala na sa Malacañang ang enrolled bill para malagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte. DWIZ 882
Comments are closed.