P4.5T NATIONAL BUDGET PARA SA TAUMBAYAN – YAP

Rep Eric Go Yap

“HINDI lang tutugon sa COVID-19 ang P4.5 trilyong 2021 National Budget, kundi ito ay sagot sa kailangan ng taumbayan.”

Ito ang pahayag ni House Appropriations Chairman at ACT-CIS Cong. Eric Yap sa pagtatapos ng bicameral conference hinggil sa pagpasa ng budget sa susunod na taon.

“Kung dati ay nakalaan sa impraestriktura ang ating budget, this year we made sure na malaki ang pondo na pupunta sa edukasyon at pangka-lusugan,” ani Yap, sa isang panayam sa radyo.

Dagdag pa niya, “Nagkasundo po ang Senado at Kongreso na unahin ang edukasyon at kalusugan na tustusan ng P4.5 trilyong budget.”

“Naglaan din tayo ng halaga para sa impraestruktura para masigurong matugunan ang Build, Build, Build program ng Duterte administration,” pahabol pa ng mambabatas.

Paniniguro pa ng mambabatas na wala ng ‘pork’ sa 2021 national budget dahil ito ay nasuri na ng dalawang kapulungan. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.