P4.6 M MARIJUANA NASABAT SA 3 DRUG DEALERS

TARLAC CITY-TINATAYANG aabot sa P4.6 milyon ang halaga ng marijuana na nakumpiska ng mga tauhan ng Philippine National Police sa tatlong drug dealers matapos ang ikinasang anti narcotics operation sa lalawigang ito kahapon ng madaling araw.

Batay sa ulat, pawang mga taga-Mountain Province ang tatlong drug suspek na naaresto na nasa edad 24 hanggang 50 anyos .

Ayon sa PNP Drug Enforcement Group, nahuli ang tatlo sa inilunsad na anti-illegal drug operation sa Barangay San Nicolas, Tarlac bandang ala-1:30 ng madaling araw.

Sinasabing mga bigtime supplier ng dried marijuana ang grupo at responsible sa pagbabagsak ng damo sa Tarlac, Pangasinan at Mountain Province.

Nakuha sa kanila ang may 24 bricks na dried marijuana leaves, 26 rolled dried marijuana at 2 bote ng cannabis oil.

Nakakulong sa Camp Gen. Francisco S. Macabulos sa Tarlac City ang mga suspek para sa proper disposition at paghahanda ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na ihahain sa korte laban sa tatlo. VERLIN RUIZ

4 thoughts on “P4.6 M MARIJUANA NASABAT SA 3 DRUG DEALERS”

Comments are closed.