UMABOT sa mahigit P4 bilyon ang halaga ng pinsala sa agrikultura ni Super Typhoon Carina at ng Habagat noong nakaraang buwan, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Sa final bulletin nito sa twin weather disturbances, na inisyu noong August 21, iniulat ng DA-Disaster Risk Reduction and Management Operations Center na ang total production value loss sa crops, livestock, poultry, at fisheries ay pumalo sa P4.72 billion.
Ang pinsala at losses ay natamo ng farmlands atbfishery sa 12 rehiyon — Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western at Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, Soccsksargen at Caraga, na nakaapekto sa 82,824 ektarya ng agricultural areas.
Ang total volume production losses sa mga apektadong lugar ay nasa 68,690 metric tons (MT).
Ang malakas na ulan at pagbaha na dulot ng Habagat na pinalakas ni ‘Carina’ ay nakaapekto sa kabuhayan ng 137,999 magsasaka at mangingisda.
Ang bigas ang pinakaapektadong commodity, na nagtamo ng pinsala na nagkakahalaga ng P1.08 billion na may total volume loss na 18,629 MT.
Ayon sa DA, ang apektadong rice area na 67,432 ektarya ay katumbas ng 2.51% ng total target area na tinaniman na 2,678,766 ektarya, habang ang production loss na 18,629 MT ay katumbas ng 0.16% ng target production na 11,663,214 MT, kapwa para sa wet cropping season ngayong 2024.
Sumunod ang fisheries na may P783.96 million na halaga ng lugi na nakaapekto sa 8,395 mangingisda.
Pumangatlo ang high-value crops na may production loss na P691.62 million, katumbas ng 19,969 MT na nawasak na mga pananim.
Ang mais ay nagtala ng pinsala at losses na P469.45 million o 18,170 MT volume na nawasak.
Samantala, nagtamo ang livestock and poultry sub-sector ng P38.26 million na halaga ng losses, katumbas ng 25,855 ulo ng manok, swine, cattle, carabao, gota, duck, horse, quail, turkey, guinea fowl, at buffalo na nasawi.
Nagtala rin ang cassava ng P12-million na halaga ng pinsala sa 472 MT volume na nawasak.
Ang pinsala sa irrigation facilities, agricultural infrastructure, at machineries ay naitala sa P1.64 billion, P4.44 million, at P4.01 million, ayon sa pagkakasunod-sunod.