P4.9-M EDUC ALLOWANCE SA 1K STUDES IPINAMAHAGI

KAUGNAY ng selebrasyon ng National Children’s Month, namahagi ang pamahalaang lungsod ng Educational Assistance sa may 1,000 public school students sa Maynila.

Pinangunahan nina Mayor Honey Lacuna at Vice Mayor Yul Servo Nieto kasama sina Manila Department of Social Welfare (MDSW) chief Re Fugoso at Councilor Niño dela Cruz kasama ang social workers at child development workers ng lungsod upang personal na pamamahagi ng halagang P5,000 bawat isa sa recipients ng educational assistance program sa San Andres Sports Complex, Malate, Manila.

Ang mga tumanggap ng nasabing assistance ay binubuo ng third batch ng indigent student beneficiaries na nasa 983 ang kabuuang bilang.

Ang nasabing educational cash aid ay ibinibigay sa mga estudyante sa Maynila na higit na nangangailangan upang makatulong sa kanilang pang-araw-araw.

Ang 983 recipients na tumanggap ng cash allowance ay mga estudyante mula sa Districts 1, 3,, 4, 5 and 6 at ang kabuuang halaga na naipamahagi ay mahigit P4.9 milyon.

Nabatid kay Fugoso na ang recipients ay pawang indigent students na naka-enroll sa mga pampublikong paaralan sa lungsod sa parehong elementarya at high school at pati children in need of special protection (CNSP).

“The said assistance is meant to augment family expenses for school needs such as “baon,” uniform, school supplies and shoes and materials for school projects, among others,” dagdag ni Fugoso. VERLIN RUIZ