P4.9-M PINSALA SA AGRI NI ‘SIONY’ SA BATANES

BATANES

NAG-IWAN si Severe Tropical Storm Siony ng P4.9 million na halaga ng pinsala sa agrikultura sa Batanes, ayon kay Governor Marilou Cayco.

“Ang estimated damage sa agriculture ng Siony dito ay mga P4.9 million po,” wika ni Cayco sa Laging Handa public briefing.

Gayunman ay sinabi ni Cayco na walang iniulat na pinsala ang bagyo sa imprastruktura, kabilang utilities. Gayunfin ay wala aniyang nasawi, nawawala o nasaktan nang tumama ang bagyo sa lalawigan.

Sa ngayon, aniya, ay maganda na ang panahon sa Batanes matapos ang malakas na hangin, malalaking alon at malakas na pag-ulan noong Biyernes.

Ang sentro ng severe tropical storm ay tumawid sa Misanga island sa Itbayat, Batanes noong Biyernes, alas-7:50 ng umaga.

Si ‘Siony’ ay lumabas sa  Philippine Area of Responsibility hatinggabi ng Sabado.

Comments are closed.