UMAABOT sa P4.9 milyon ang halaga ng smuggled na sigarilyo ang nasamsam ng Bureau of Customs (BOC) Port of Zamboanga na karga ng isang motorized wooden vessel.
Ayon sa BOC, nasabat ng Enforcement and Security Service (ESS) and Customs Intelligence and Investigation Service at Philippine National Police (PNP) 2nd Zamboanga City Mobile Force Company ang bangkang “Jungkong” sa dalampasigan ng Barangay Arena Blanco, Zamboanga City.
Sakay ng bangka ang apat na crew na residente ng Parang, Sulu kung saan nagmula sila sa Jolo patungong Zamboanga City.
Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon na bigong makapagpakita ng legal na dokumento ang mga crew ng barko kaya’t agad na kinumpiska ang mga sigarilyo habang isinailalim na sa imbestigasyon ang mga ito.
Ang nasabing hakbang ng Customs ay batay na rin sa kautusan ni Commissioner Bienvenido Rubio na patuloy na labanan ang mga magtatangka magpuslit ng iligal na kargamento sa ilalim na rin ng kanilang mas pinalakas na kampanya kontra smuggling sa bansa. VERLIN RUIZ