TULOY-TULOY ang pakikipag-usap ng Department of Agriculture (DA) sa mga bansang pagkukunan ng fertilizers.
Ayon ito kay Agriculture Assistant Secretary Arnel De Mesa sa gitna na rin ng pagsasapinal ng government to government deal sa pag-supply ng fertilizers sa susunod na taon.
Target aniyang sa susunod na buwan ay malagdaan na ang kasunduan sa pag-supply ng mga pataba.
Ipinabatid ni De Mesa na P4-B ang inilaang halaga ng fertilizers bilang subsidiya ng DA sa mga magsasaka. DWIZ 882