KAILANGAN ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ng inisyal na P4 billion para sa rehabilitation at reconstruction projects ng mga lugar na naapektuhan ng sunod-sunod na lindol sa Mindanao.
“Tentative amount identified is P4 billion. But that already includes some of the rehabilitation and reconstruc-tion projects… kasama na ‘yung mga initially identified reconstruction projects,” wika ni Ricardo Jalad, executive director ng NDRRMC.
“We presented a recommendation to the President last night during the Cabinet meeting and the main recom-mendations there were the rotations of those communities and the sustainment of relief operations and fund re-quirements,” dagdag pa ni Jalad.
Aniya, ang eksaktong halaga para sa rehabilitation at reconstruction efforts ay matutukoy sa post-disaster as-sessment ng NDRRMC.
Nang tanungin kung tatanggap ang NDRRMC ng tulong mula sa foreign countries, sinabi ni Jalad na tatalaka-yin ito sa Department of Foreign Affairs (DFA).
Tiniyak ni Jalad sa publiko na ang council at iba pang kinauukulang ahensiya ay may kakayahang pan-gasiwaan ang relief efforts sa mga apektadong lalawigan sa Mindanao.
“I would like to inform everyone that the National Disaster Risk Reduction and Management Council and the national government would like to express that it is capable of handling the situations. We are doing everything we can to improve the situation in the evacuation centers,” ani Jalad.
Idinagdag pa ng opisyal na tinatalakay na rin sa National Housing Authority (NFA) ang project proposals ng housing projects para sa evacuees.
Tatlong major earthquakes ang yumanig sa Mindanao noong nakaraang buwan. Noong October 16 ay tuma-ma ang magnitude 6.3 earthquake sa ilang bahagi ng Mindanao region, habang noong October 29 ay isang magni-tude 6.6 earthquake ang muling yumanig sa Tulunan, North Cotabato.
Pagkalipas ng dalawang araw, isang lindol na may lakas na 6.5 ang muling tumama sa ilang lugar sa rehiyon, na nagresulta sa pagguho ng isang hotel sa Kidapawan City. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.