P4-M MARIJUANA DRIED LEAVES NASABAT

Marijuana

KALINGA – AABOT sa mahigit sa P4 milyon dried marijuana leaves na umaabot sa mahigit sa 30 at pitong kilo ang  nakumpiska ng PNP-Kalinga sa dalawang suspek na kalalakihan na balak sanang ibiyahe lulan ng isang pampasaherong bus patungong Maynila.

Kinilala ni P/Lt. Col. Gelbert Fati-ig, hepe ng PNP-Kalinga, ang dalawang suspek na sina Jose San Juan, Jr., at si Kian Cortez pawang residente umano ng Quezon City at Maynila.

Ayon kay P/Lt. Col Fati-ig, agarang nagsagawa ng operasyon ang kanyang mga tauhan makaraang isang tawag umano ang kanilang natanggap sa isang concerned citizen na may magbibiyahe ng marijuana mula sa Tinglayan, Kalinga kung saan ay kilalang may malawak na taniman ng ipinagbabawal na marijuana.

Pahayag pa ni Fati-ig, nang sumakay na ang dalawang suspek sa nasabing bus, ay sumunod ding sumakay ang kanyang mga tauhan. Nang makarating ang mga ito sa Brgy. Bulanao ay napansin ng dalawang suspek na may nag-aabang na patrol car kaya bumaba ang mga ito sa sinasakyang bus  kung saan ay sinundan naman sila ng  pulis at nakuha sa kanila ang bitbit na apat na bag na naglalaman ng marijuana bricks. IRENE GONZALES

Comments are closed.