P4-M MARIJUANA WINASAK

LA UNION- SINIRA ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 21,700 fully grown marijuana plants na umaabot sa halagang mahigit P4 milyon sa two-day eradication operation sa Ilocos Sur at La Union mula Pebrero 21 hanggang 22.

Sa pahayag ni PDEA-Region 1 Director Joel Plaza, 10,900 FGMPs na nagkakahalaga ng P2,180,000 milyon ang nadiskubre sa apat na plantasyon na may kabuuang land area na 2,600-square meters sa Sitio Sawangan, Barangay Danak, Sugpon, Ilocos Sur noong Pebrero 21.

Sa bayan ng San Gabriel, La Union naman, 10,800 FGMPs na nagkakahalaga ng P2,160,000 milyon ang nabuking sa isang plantasyon na may land area na 900-square meters sa Barangays Lon-oy at Bayabas.

Sinabi ni Plaza na sinunog ang marijuana plants na ito at dinala ang samples sa kanilang opisina para sa dokumentasyon at wastong disposisyon.

Wala namang naarestong cultivator sa operasyon subalit iniimbestigahan na ang persons of interest.
EVELYN GARCIA