P4-M NALIKOM NG MANILA CATHEDRAL PARA SA ODETTE VICTIMS

NASA  mahigit P4-milyong halaga ang ibinigay na donasyon ng Manila Cathedral.

Base sa kanilang Facebook post, umabot na sa P4,470,383 ang kanilang nakolektang donasyon para ibigay sa mga residenteng nasalanta ng bagyong Odette.

Ipinamahagi naman ang tig- P500,000 sa Archdiocese of Cebu, Apostolic Vicariate of Taytay, at Dioceses of Masson, Kabankalan, San Carlos, Surigao, Tagbilaran, Talibon, at Tandag sa Surigao del Sur.

Ayon sa simbahan, malaki ang maitutulong nito sa social servicers ministry ng iba’t-ibang diocese na namamahala sa mga relief goods para sa mga nasalanta.

Samantala, pinasalamatan naman ng Cathedral ang mga taong napaabot ng tulong para maipamahagi sa mga sinalanta ng bagyong Odette sa bansa. DWIZ882