P4-M SMUGGLED CARROTS NASABAT

NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container Port (MICP) ang smuggled carrots na aabot sa P4 mi­yon ang halaga.

Ayon sa report ng Intelligence group ng ahensiya, ang mga puslit na carrots ay lulan sa dalawang forty-footer container van at naka-consigned sa Silverpop Dry Goods Trading.

Idineklara ito bilang mga steamed buns ngunit sa isinagawang physical examination nitong Hunyo 14, taliwas ang naunang deklarasyon ng importer dahil ang tunay na laman ng mga container ay pawang mga carrots na galing China.

Agad naman inisyuhan ng Warrant Seizure and detention, bunsod sa paglabag ng Section 117, “Regulated Importation and Exportation” at Section 1400, “Misdeclaration, Misclassification, Undervaluation in Goods Declaration”, in relation to Section 1113, “Property Subject to Seizure and Forfeiture” of the Customs Modernization and Tariff Act. FROILAN MORALLOS