TINATAYANG aabot sa P40.8 ang street value ng drogang nakumpiska ng mga tauhan ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) sa ikinasang anti-narcotics operation kamakalawa ng gabi na nagresulta sa pagkaka aresto sa dalawang drug personalities sa Makati City.
Ayon kay PDEG Director, BGen. Remus Medina, nasa P40.8 milyon ang halaga ng ilegal na droga ang kanilang nasabat sa dalawang drug suspek sa may bahagi ng Hilario St., Brgy Palanan Makati City.
Kinilala ang mga naaresto na sina Bryan Salceda, 26-anyos at Jerome Gaje, 27-anyos na pawang naninirahan sa Pasay City.
Nabatid na matapos ang ikinasang intelligence at surveillance operation laban sa sa mga target drug personalities ay ikinasa ang buy-bust operations bandang alas-7:30 ng gabi ng mga tauhan ng PNP-PDEG katuwang ang mga tauhan ng Makati Police Station, PDEA-NCR Bureau of Customs Intelligence and Investigation Service.
Nakuha mula sa mga suspek ang may 6 na kilo ng shabu, boodle money na ginamit sa operasyon, cellphone na gamit sa transaksyon.
Nasa kostudiya na ng Special Operations Unit 1 ng PDEG sa Kampo Crame ang mga drug suspek habang hinahanda ang kasong paglabag sa RA9165 laban sa kanila. VERLIN RUIZ