IGINIIT ng mga senador na hindi pa rin sapat ang P40 na dagdag sa minimum wage sa National Capital Region (NCR).
Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, bagaman malaking tulong ito sa mga manggagawang Pilipino, iginiit niya na hindi pa rin ito sapat.
“That’s a wonderful development for our workers. Although it’s not enough,” ani Zubiri.
Gayundin ang naging pahayag ni Senador Jinggoy Estrada, namumuno ng labor panel at Sen. Grace Poe.
“Our workers need and deserve wage hikes to cope with the ongoing rise in the prices of basic goods and commodities,” ayon kay Estrada.
“This does not mean that bills proposing adjustments in workers’ wage rates, which are currently pending before my committee on labor, will be put on the back burner,” dagdag pa niya.
Para naman kay Poe, hindi pantay ang pagtaas ng sahod at ang patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
“Kulang na kulang ang wage hike. Hangad natin ang sahod na makapagbibigay ng isang buhay na may dignidad para sa bawat manggagawang Pilipino. Hindi sapat ang wage hike para maibigay sa kanila ito.”
“Napag-iwanan na ang suweldo ng patuloy na pagtaas ng mga pangunahing bilihin at petrolyo,” dagdag pa ni Poe.
Nanawagan si Poe sa mga employer na may kakayahan na magbigay ng magbigay ng dagdag na allowance o benepisyo sa kanilang mga empleyado.
LIZA SORIANO