P400-B PARA SA REGIONAL PRISON KAILANGAN NG BUCOR

NAGPAHAYAG ang Bureau of Corrections (BuCor) aabot hanggang P400 bilyon para makumpleto ang plano nitong maipatayo ang mga regional prison sa buong bansa, at maipatayo ang mga bagong pasilidad para sa Persons Deprived of Liberties (PDLs).

Ayon kay BuCor Director General Gregoio Pio P. Catapang Jr. ito ang pangunahing plano niya para tuluyang ma-decongest ang mga prison facilities sa buong bansa.

Aniya kinabibilangan ito ng hanggang 16 regional facilities kung saan magkakaroon ng tig-isang pasilidad para sa mga babae at lalakeng PDL

Bahagi rin ng plano ng BuCor ang pagtatayo ng mga heinous crime facilities sa Fort Magsaysay Military Reservation sa Palayan City, Nueva Ecija para sa Luzon.

Para sa Visayas, itatayo naman ito sa Camp Macario B. Palta sa Jamindan, Capiz, habang sa Camp Kibaritan, Kalimantan sa probinsiya ng Bukidnon para sa Mindanao.

Ang nasabing plano ay bahagi pa rin ng plano para makapag-accommodate ng hanggang 2,500 PDLs sa bawat pasilidad. EVELYN GARCIA