PARA matulungan ang bansa na makarekober sa gitna ng pandemya, inihain ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto ang ikatlong Bayanihan bill.
Sa inihaing panukalang Bayanihan 3 ni Recto , layon nito na maglaan ang pamahalaan ng P400 bilyon na naglalayong paglaanan pa ang mga gastusing kailangan para sa COVID-19 vaccines .
Paliwanag ng senador, kailangan ng advance payment para sa bakuna para mabigyan ang 100% ng populasyon sa bansa .
Giit pa ni Recto ay mas mabuti nang sumobra ang bayad at kung anomang oras na kailanganin ng mga Filipino ay available na ito at maaari nang magpabakuna anumang oras na gustuhin nila.
Hindi na rin umano dapat nagtitipid ang gobyerno para rito.
“Remember, you would be paying an advance for these vaccines. ‘Di bale nang sumobra pa ‘yung bayad natin and provide for 100% of the population without even mandating it, but it’s available kung gusto nila puwede silang magpabakuna. That’s how it should work. Hindi ‘yung 60-70% lang, nagtitipid tayo,” sinabi pa ng senador. LIZA SORIANO
Comments are closed.