NASABAT ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang aabot sa P400,000 cash mula sa isang pasaherong Filipina bago makasakay sa kanyang flight palabas ng bansa.
Ayon sa impormasyon na-intercept ito ng mga taga-customs noong march 11 taong kasalukuyang, sapagkat walang maipakitang written authority mula Bangko sentral ng Pilipinas (BSP) para mailabas ang naturang halaga.
Sa ilalim ng Manual on Cross Border Local and Foreign Exchange Transaction Circular No. 922 series of 2016, ipinagbabawal sa sinumang maglabas ng malaking halaga ng pera ng walang pahintulot ang Bangko Sentral ng Pilipinas.
Nilabag nito ang Section 1113 (f) ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), Section 36 of the New Central Bank Act (NCBA) and Section 1401 of CMTA, kung saan pagmumultahin ito ng hindi bababa sa Fifty Thousand Pesos (P50,000.00) ngunit hindi lalampas sa Two Hundred Thousand Pesos (P200,000.00).
Makukulong ang ng dalawang taon ang sinumang violator. FROI MORALLOS
Comments are closed.