P400K DANYOS SA NASUNOG NA PAGAWAAN NG PAPUTOK

sunog

BULACAN – ILANG oras makaraan ang ins­peksyon ni PNP OIC Lt. Gen. Archie Gamoba noong Sabado, natupok ang isang manufacturing facility ng paputok sa Bocaue naging dahilan para maputol ang supply ng koryente sa lugar.

Sirang electric fan ang itinuturong  dahilan ng sunog sa pagawaan ng paputok sa Bocaue, Bulacan.

Hindi na umano umiikot ang propeller ng bentilador kaya nang isaksak, biglang nag-blink ang mga ilaw at doon na nagsimula nag apoy.

Ayon kay BFP Bocaue Fire Marshall Fire Insp. June Marcelino Isip – matagal nang nakatago sa bodega ang electric fan.

Nagsimula ang apoy sa A.T. Sayo Enterprises bandang alas-7:15 ng gabi bago umabot sa ikatlong alarma.

Nasa P400,000 ang halaga ng naiwang pinsala sa sunog,

Wala namang naiulat na nasaktan ngunit naapektuhan naman ang mga linya ng kuryente. MARIVIC RAGUDOS

Comments are closed.