KALINGA – UMABOT sa P400,000 ang halaga ng mga pinatuyong marijuana na nasabat ng awtoridad sa inilatag na checkpoint sanhi upang maaresto ang isang turista sa Barangay Bulanao, Tabuk.
Kinilala ng PNP Tabuk ang suspek na si Marck Airone Joya, nasa hustong gulang, residente ng Naic, Cavite.
Batay sa ulat habang nagsasagawa ng check point ang mga kagawad ng PNP-Kalinga, isang bayong ng gulay ang napansin umano ng awtoridad na daladala ng suspek na si Joya, upang ito ay rekisahin at nagpositibo na may nakahalong mga pinatuyong dahon ng marijuana sa mga gulay na tinatayang mahigit sa P484,000.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.