PAMPANGA- TINATAYANG aabot sa P408 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit sa isinasagawang buy bust operation sa NLEX Km 62 ng Brgy, San Felipe sa siyudad ng San Fernando sa lalawigang ito kahapon.
Sa inisyal na report ni Col.Heryl Bruno,kinilala ang nadakip na suspek na si Hernani Cosumo Y Loranya, 31-anyos ng Brgy. Bagumbong Caloocan City.
Ganap na alas-2 ng hapon nang kumilos ang pinagsanib na grupo ng PNP DEG – SOU-NCR SOU 3, PNP DEG, RID, RDEU, RSOG PDEA at Pampanga PPO makaraang kumagat sa buy bust ang suspek kung saan nakumpiska mula sa kanya ang 60 kilo ng shabu.
Personal na pinuntahan ni PNP chief Vicente Danao at SILG Sec. Benjamin Abalos ang lugar kung saan nadakip ang bigtime drug pusher.
Nakuha sa suspek ang isang Android Phone Huawei Black, buy bust money at Hyundai Starex na kulay silver na may plakang YFU-655. THONY ARCENAL/ ROEL TARAYAO