INARESTO sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 ng pinagsanib na mga tauhan ng Bureau Of Customs (BOC) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Filipina dahil sa tangkang pagpuslit ng anim na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng 40.8 milyong piso.
Ayon sa report ng BOC, kinilala ang suspek na si Marie Rusol Guellermo, 28 anyos na tubong Marikina, at dumating ito kahapon sa NAIA T3 ng madaling araw lulan ng flight 5J258 galing sa Siem Reap, Cambodia.
Nadiskubre ang nasabing shabu sa tulong ng X-ray machines dahil sa kakaibang imahe sa loob ng kanyang backpack na siyang naging sanhi upang ipadaan sa 100 percent na eksaminasyon.
Habang isinasagawa ang esksaminasyon ay bumungad sa mga examiner ang isang tea foil pack kung saan nakalagay ang shabu .
Agad inilipat sa kamay ng mga tauhan ng PDEA ang naturang shabu para sa gagawing inquest proceed-ings laban sa suspek dahil sa paglabag ng Comprehensive Dangerous Drug Act. (RA 9165) in relation to section 118 (prohibited importation) 1113 Goods liable for seizure and 1401 Unlawful importation. FROI MORALLOS
Comments are closed.