P42.3-B CREDIT GUARANTEES SA MSMEs

Philippine Guarantee Corp

INILATAG ng Philippine Guarantee Corp. (PhilGuarantee) ang P42.3 billion na credit guarantee facilities para sa pandemic-hit micro, small and medium enterprises (MSMEs), kung saan P3.6 billion dito ang inaasahang mapapautang sa initial batch ng 6,000 borrowers sa pagtatapos ng taon.

Ayon kay PhilGuarantee president-CEO Alberto Pascual, nasa P20 billion naman ang inaasahang maipahihiram sa kalagitnaan o patungo sa katapusan ng 2021 sa may 40,000 MSMEs.

Sa isang emailed report kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, sinabi ni Pascual na nagpapautang na ngayon ang mga bangko sa micro and small businesses kasunod ng paglulunsad sa  programa, hindi tulad dati kung saan binibigyang prayoridad lamang ang pangangailangan ng kanilang MSME clients.

Sinabi ni  Pascual na 50 percent ng naturang multi-billion peso loan amount na availabke ngayon para sa MSMEs ay guaranteed sa ilalim ng programa, na mas mataas kaysa alok ng Thailand na  30 percent guarantee sa  small and medium-sized businesses nito.

“Just like in Thailand, the freed up reserves or extra liquidity of banks were not used to lend to MSMEs. But now we are seeing banks becoming active again and some in fact have been pre-clearing with us bigger loans for new projects,” ani Pascual.

Sa kasalukuyan, ang PhilGuarantee ay nag-accredit ng 8 universal banks, 1 commercial bank, 6 thrift banks at 10 rural banks para saguarantee facilities nito para sa MSMEs.

Ang applications para sa accreditation ng 16 pang bangko ay pinoproseso na rin para mas marami ang matulungan ng programa para sa  MSMEs.

“This is the first time PhilGuarantee is providing guarantee coverage for MSMEs,” sabi pa ni Pascual.

Kabilang sa mga bangko na lumagda sa guarantee agreements sa PhilGuarantee ay ang Bank of the Philippine Islands (BPI), Union Bank of the Philippines (UnionBank), Malayan Bank (MB), Bangko Kabayan (BK) at New Rural Bank of San Leonardo (NRBSL).

“We are now processing thousands of MSME loan guarantee applications.  We expect availments to reach P3.6 billion up to year end with about 6,000 borrowers and about P20 billion towards the end of next year covering about 40,000 MSMEs,” ayon kay Pascual.

Aniya, ang average loan size sa ilalim ng guarantee program ay hindi hihigit sa P1 million, kung saan ang minimum loan amount ay P100,000 na kadalasang inuutang ng micro enterprises sa  rural banks.

“Under the guarantee program, the maximum term for working capital loans is 1 to 5 years with a 50 percent guarantee, and up to 7 years for term loans with the guarantee covering up to 80 percent of the loan amount.”

Samantala, ang maximum loan amount na maaaring garantiyahan sa ilalim ng programa ay P50 million na may guarantee fee na 1.0 percent lamang per annum.

Ayon kay Pascual, plano ng PhilGuarantee na simulan ang paggagarantiya sa loans ng small and medium-sized at large enterprises na hanggang P300 million na may P5-billion karagdagang equity na matatanggap nito sa ilalim ng  Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2).

“We can leverage the P5 billion additional equity 15 times. This will allow an extra guarantee capacity of P75 billion,” ani Pascual.

Comments are closed.