KALINGA- NAABO ang P42 milyong halaga na marijuana plants mula sa dalawang plantasyon makaraang sunugin ng awtoridad sa isinagawang operasyon sa liblib na Sitio Loccong sa bayan ng Tinglayan.
Base sa ulat, sinalakay ng mga operatiba ng Kalinga policemen, Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera, Ilocos, Cagayan Valley, Region IV-B, Cordillera police regional drug enforcement at intelligence operatives ang dalawang plantasyon kung saan nakatanim ang 210,000 fully-grown marijuana na may street value na P42 milyon.
Ayon kay Cordillera police director Brig. Gen. Rwin Pagkalinawan, wala namang naarestong marijuana cultivator na sinasabing pumuga makaraang makatunog sa pagsalakay ng awtoridad. MHAR BASCO
Comments are closed.