P42-M WATER METERS GALING SA YOLANDA FUND

NDRMMC-4 copy.jpg

INAMIN ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC)  na ginamit nito ang P42 milyong bahagi ng Yolanda rehabilitation funds para sa pagbili ng 14,000 water meters para sa resettlement areas sa Tacloban, Leyte.

Ayon sa NDRRMC, ang nasabing pondo ay ipinagkatiwala nila sa Leyte Metropolitan Water District (LMWD) na kinuha mula sa pondo na nalikom bilang tulong sa mga nasalanta ng nasabing bagyo.

Iginiit ng ahensiya na direkta rin umanong ginamit ang nasabing pondo sa  mga nabiktima ng trahedya taliwas sa mga unang ulat na nawawala ang nasabing pondo.

Nauna rito,  sinabi ng Commission on Audit na malaking bahagi ng Yolanda fund ang hindi malaman kung saan napunta.

Gayunpaman, ipinag-utos din ng Malakanyang na alamin at hanapin ang nasabing nawawalang pondo.

Comments are closed.