P43-M MULTA SA 219 BORA FIRMS

DENR-BORACAY

MAY kabuuang 219 business establishments sa Boracay ang pinagmulta dahil sa paglabag sa iba’t ibang environmental laws, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sa pahayag ng Pollution Adjudication Board (PAB) ng DENR, ang kabuuang halaga ng multa ay umabot sa P43 million.

Ilang establisimiyento ang napatunayang may higit sa isang paglabag.

Isang quasi-judicial body na dumidinig sa mga kaso na idinulog ng regional offices ng DENR laban sa mga lumalabag sa environmental laws and regulations, pinatawan ng PAB ang mga establishment ng multa na mula P10,000 hanggang P1 million depende sa haba at bigat ng paglabag.

Nauna nang binigyang-diin ni Environment Secretary Roy A. Cimatu ang patuloy na pagbabantay sa pollution violations at mabilis na pagdinig sa mga kaso na idinulog sa Board.

Sa kanyang panig, sinabi ni DENR Undersecretary Rodolfo Garcia, ang presiding officer ng PAB, na pinadalhan  na ng penalty notices ang mga business owner, na obligadong magbayad ng multa.

“We at the DENR believe that anyone who pollutes or destroys the environment must pay the cost for that destruction,” ani Garcia.

“Only those who settled the penalties will be allowed to process their permits to operate and discharge permits provided they have not committed other violations.

“The DENR, together with other concerned government agencies, is firm in its resolve to clean not only the waters and air of Boracay and to manage its solid waste. It also wants to clear Boracay of irresponsible and greedy business people who have placed care for the environment their least priority,” dagdga pa niya.

Ayon pa kay Garcia, magpapatuloy ang rehabilitation efforts kahit muli nang nagbukas ang Boracay para sa mga turista.

“We will continue to monitor all establishments and impose the necessary penalties should they be found breaking laws,” paliwanag niya.

Sa 219 establisimiyentong pinagmulta, nasa 110 ang lumabag sa Section 1, Rule 19 ng RA 8749. Ang kanilang multa ay umabot sa kabuuang P1.5 million.

May 72 pang establisimiyento ang pinagmulta ng kabuuang  P2 million dahil sa pag-o-operate ng mga pasilidad na naglalabas ng regulated water pollutants ng walang valid discharge permit, na kinakailangan sa ilalim ng Section 27(c)  ng RA 9275.  JONATHAN MAYUGA

Comments are closed.