PLANO ng administrasyong Duterte na gumastos ng P44 billion para patubigan ang karagdagang 500,000 ektaryang lupain sa susunod na apat na taon sa pamamagitan ng solar-powered irrigation (SPIS) systems upang mapalakas ang produksiyon ng farm sector.
Ayon kay Agriculture Secretary Emmanuel F. Piñol, nangako si Presidente Rodrigo Duterte na maglalaan ng hindi bababa sa P43.7 billon para sa konstruksiyon ng 6,250 SPIS hanggang sa pagtatapos ng kanyang termino. Ang isang SPIS, na makapagbibigay ng irigasyon sa average na 80 ektarya, ay nagkakahalaga ng P7 million.
“President Rody Duterte last night pledged that Philippine agriculture will get the money that it needs to undertake a nationwide solar-powered irrigation systems program which aims to provide water to at least 500,000 hectares of farmlands over the remaining four years of his administration,” sabi ng agriculture chief sa isang Facebook post kahapon.
Ani Piñol, ginawa ni Duterte ang pangako sa Cabinet meeting sa Malacañang noong Agosto 6.
“You will get the budget that you need for that,” sabi umano ni Duterte.
Anang agriculture chief, si Pangulong Duterte ang tumalakay sa pagpapatupad ng SPIS sa naturang cabinet meeting. Mismong ang Pangulo ang nanguna sa paglulunsad ng SPIS program ng DA noong Marso 2017.
Sinabi pa ni Piñol na ipinagbigay-alam niya sa Pangulo na may 169 SPIS units ang nakumpleto na o sumasailalim sa konstruksiyon ngayong taon subalit babagal ang programa sa susunod na taon dahil sa pagbabawas ng budget.
“The [2019] budget will only allow us to build 10 additional units,” aniya.
“I told the President that the DA will have to abandon soem of its non-essential programs and realign the funds to the SPIS program for 2019 with a target of at least 100 additional units,” dagdag pa niya.
Ang karagdagang 500,000-hectarage ay makapagpoprodyus ng hindi bababa sa 2 million metric tons (MMT).
“In fact, the estimate is that the additional 500,000 hectares of unirrigated rice farms if served by small irrigation systems could produce an average of 6 metric tons per harvest twice a year,” paliwanag pa niya.
“This would mean an additional ricep roduction of 4 [million] metric tons every year which if dried and milled with a 50-percent recovery could bring in 2-million metric tons of rice.” JASPER ARCALAS
Comments are closed.