P45-B NAWAWALA SA GOBYERNO SA PEKENG BIZ RECEIPTS, INVOICES

MISMONG si Bureau of Internal Revenue Commissioner Romeo Lumagui, Jr. ang nanguna sa pagsalakay sa isang printing company na gumagawa ng mga fake receipts and invoices na gamit para makapandaya sa pagbabayad ng buwis.

Sa bisa ng isang mission order, sinalakay ng pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Regional Investgation Division ng BIR ang Brenterprise International, Inc. dahil sa paglabag sa probisyon ng National Internal Revenue Code ukol sa paggawa ng mga huwad na resibo na ibinebenta sa mga kompanya upang makapandaya sa pagbabayad ng buwis.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang libo-libong pekeng resibo, sales invoices at iba pang business documents at inaresto ang mahigit sa 36 empleyado nito para sampahan ng kasong kriminal sa korte.

Kasama ng raiding team si Commissioner Lumagui, ang legal at revenue officers ng Kawanihan, gayundin sina Quezon City BIR Regional Director Mahinardo Mailig at Assistant Director Renato Molima nang kumpiskahin ang voluminus falsified receipts, invoices at iba pang business documents na ibinebenta sa kanilang mga kliyenteng kompanya sa buong bansa.

“Nahuli natin itong Brenterprise na gumagawa ng mga pekeng resibo at ibinebenta nila sa mga kliyente. Itong mga kliyente naman nila na bumibili ng pekeng resibo ay ginagamit na resibo to claim as expenses, kahit hindi naman totoong expenses dahil wala naman silang talagang binibiling mga produkto o serbisyo. Ginagawa nila ito upang makapandaya sa pagbabayad ng buwis at tinataya sa P45 bilyon ang nawawala sa gobyerno,” ani Commissioner Lumagui.

“Aside from fabricating documents, Brenterprise reportedly helps companies cover their tracks in tax evasion,” ayon pa sa source mula sa NBI at BIR.

“Based on the NBI investigation, Brenterprise is allegedly involved in forging tax documents required by the BIR. The company also offers notarial services and pretends to be representatives of suppliers, who could snswer questions regarding the business activities of the clients,” ayon sa investigators ng BIR intelligence.

Sinabi ni Commissioner Lumagui na hahabulin nila ang mga taong nasa likod ng sindikato at papanagutin sa batas sa pandaraya ng buwis, gayundin ang mga naging kliyente ng mga ito na nagsigamit ng mga fake receipts and invoices para makapandaya sa buwis.

Ang ganitong ‘modus’ ay pinaniniwalaan ng mga awtoridad na matagal nang ginagawa ng mga businessmen para linlangin ang BIR sa tunay nilang kita at makapandaya ng buwis.

Ang ganitong modus ay tinangka nang buwagin noong panahon nina former BIR Commisdioners Liwayway Vinson-Chato, Kim Henares at Commissioner Cesar Dulay, subalit hindi rin sila nagtagumpay na madakip at maipakulong ang mga taong nasa likod ng ganitong operasyon.

vvv

(Para sa komento, mag-email sa [email protected] o tumawag sa 09266481092)