P45-M SHABU NADISKUBRE SA INABANDONANG PARCEL

HAWAK ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency mahigit sa anim na kilong shabu na inabandona at nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport kahapon ng tanghali.

Sa ulat na ibinahagi ni Director Derrick Carreon, PDEA Information Office chief na nasabat ng NAIA PDEA-IADITG ang isang abandoned inbound parcel na naglalaman ng humigit kumulang sa 6,750 gramo ng shabu na may street value na aabot sa P45,900,000.00 na nakasilid foil packs ng mani.

Nasamsam ang illegal na droga sa isang warehouse sa PAIR-PAGS Center, NAIA Complex, Pasay City na sinasabing nagmula sa mula Africa.

Sa inisyal na report ng PDEA, inabandona ang kahina-hinalang pakete kaya agad na sinuri ito ng BOC at NAIA PDEA-IADITG .

Ang nasabing parcel ay idineklarang African Culture na pinadala ng nagngangalang Michael Mobida ng 28 Krombek Street, Van Riebeeck BIR, Kempton Park, Johannesburg, South Africa.

Habang ang parcel ay naka-consign naman kay Wilbert Dee ng 289 E Rodriguez, SR Avenue, Cathedra, Manila, Philippines.

Natuklasan ng BOC at NAIA PDEA-IADITG ang laman ng parcel nang idaan ito sa initial inspection sa pamamagitan ng x-ray machine kaya ipinag-utos ang pagsasagawa ng physical examination sa bagahe na nakalagay sa assorted fabric placemats, pillow case, and blankets.

Dito nadiskubre ang anim na plastic pouches ng nuts, 3 plastic pouches of pumpkin seeds kung saan nakasilid ang droga .
VERLIN RUIZ/ PAULA ANTOLIN