(P450-P500 kada kilo) PRESYO NG BABOY TATAAS PA

Karneng baboy

IPINAPAKITA ni My Med Rx Plus Corporation President Jojo Soliman ang Favipiravir at Arbidol habang nasa Pure Force and Rescue Operation office sa Maynila. Ginagamit ang dalawang antiviral drug bilang clinical trial na gamot laban sa COVID-19 cases kung saan tanging ang My Med RX Plus Corporation ang nagdi-distribute sa bansa sa ilalim ng compassionate permit ng Food and Drugs Administration.

Ayon sa mga tindero sa mga palengke, maaaring umabot sa P500 kada kilo ang presyo ng baboy dahil manggagaling ang kanilang suplay sa Visayas na tatawid pa sa dagat.

Subalit ayon sa Pork Producers Federation of the Philippines (ProPork), hanggang P450 lang ang itataas ng presyo.

“By June, babaha ng imported na karne ng baboy at ‘yan na ang umpisa ng aming pagbagsak o pagkalugi,” pahayag ni Pro-Pork Vice President Nicanor Briones.

Ang inaasahang pagbaha ng imported na karne ay kasunod ng pagbaba ng taripa nito.

Noong Miyerkoles ay ipinalabas ni Presidente Rodrigo Duterte ang Executive Order 128, na nagbababa sa tariff rate para sa imported pork na pasok sa quota o minimum access volume (MAV — maging frozen o bagong katay — sa 5% sa unang tatlong buwan matapos na maging epektibo ang EO at 10% sa ika-4 hanggang ika-12 buwan.

Gayunman, ang taripa para sa imported meat sa labas ng  MAV ay itinakda sa 15% para sa unang tatlong buwan matapos na maging epektibo ang EO at 20% para sa ika-4 hanggang ika-12 buwan.

Hindi na pinalawig ng gobyerno ang price cap sa baboy at manok sa Metro Manila na napaso noong Abril 8, at sa halip ay nagpatupad ng suggested retail price (SRP) sa imported na baboy — P270 kada kilo para sa kasim at P350 kada kilo para sa liempo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *