IPINANGAKO ng Pangulong Rodrigo Duterte na gagamitin sa mga programa sa Bicol Region ang P46 bilyon na pondo ng Road Board.
Pahayag ito ni Presidential Adviser for Bicol Affairs Marvel Clavecilla kapag tuluyang nabuwag ang Road Board.
Sinabi ni Clavecilla na ipinag-utos na ng Pangulo ang pagsasapinal ng listahan ng mga nasirang imprastruktura ng bagyong Usman para mapaglaanan ng pondo ng gobyerno.
Kasabay nito, ipinabatid din ni Clavecilla na ipinatawag niya ang lahat ng district engineers at NTC para maisaayos na ng telcos ang wires na nagkalat sa mga kalsada na nasira ng bagyo para masimulan na rin ng electric cooperatives ang pagbabalik sa normal ng power supply. DWIZ882