P47-B PONDO SA MANILA BAY REHAB UUTANGIN SA ADB

MANILA BAY REHAB

INIREKOMENDA ng Budget chief sa huling Cabinet meeting na umutang ang bansa sa Asian Development Bank (ADB) or World Bank upang tustusan ang rehabilitasyon ng Manila Bay na nagkakahalaga ng P47 billion.

Bagama’t wala pang desisyon sa kanyang rekomendasyon, sinabi ni  Budget Secretary Benjamin E. Diokno na ang kanyang panukala ay sinuportahan ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto M. Pernia.

Gayunman, wala si Finance Secretary Carlos G. Dominguez III sa  nasabing pagpupulong.

“…In fact, I recommended that we just borrow money so that there will be more discipline,” ani Diokno. “We will just borrow money from ADB or World Bank.”

Paliwanag ni Diokno, ito ay dahil ang pondong kakailanganin ay masyadong malaki.

“So if it’s not multi-year, it could be five years because if it’s like that, there will be more discipline to review the feasibility [of the project],” aniya, at idinagdag na ang rehabilitasyon ay isang ‘ambisyosong programa’ na sumasakop sa tatlong rehiyon na kinabibilangan ng National Capital Region, Regions III at IV.

Kinumpirma rin niya na pinag-aaralan ng gobyerno na kunin ang pondo sa Road User’s Tax.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang clean-up ay tatagal ng pitong taon.

Isinusulong ng opisyal ang pagbuwag sa Road Board sa harap ng mga alegasyon na ginagamit ito sa katiwalian.

Ani Diokno, ang pagbuwag sa Road Board ay magbibigay-daan para maibaik ng pamahalaan ang total Road Users Tax sa general fund.

“We need to abolish it then you need to have a special budget. You have to file a bill in Congress for the use of that fund so you need that under the present structure [since] the Road User’s Tax is supposed to be used for road maintenance,” sabi pa ng kalihim.

Noong nakaraang Martes ay nagbanta si Presidente Duterte na ipasasara ang mga hotel malapit sa Manila Bay kapag hindi sila sumunod sa tamang waste treatment. BERNADETTE D. NICOLAS

Comments are closed.