COTABATO CITY – UMABOT na sa PHP477-milyon halaga ng mga pananim ang napinsala sa probinsiya ng North Cotabato, ayon sa report ng opisyal ng provincial disaster management kamakailan.
Inilagay rin ng North Cotabato Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) warning and action officer na si Arnulfo Villaruz, ang bilang ng mga magsasaka na apektado ng tagtuyot na El Niño phenomenon sa 8,500, base sa datos na bigay ng municipal disaster offices sa probinsiya.
Nakaranas na rin ang probinsiya ng konting pag-ulan mula noong unang linggo ng Pebrero.
Dahil sa sobrang init ng panahon, nagdeklara na ang bayan ng M’lang, Aleosan, Alamada, at Pikit ng estado ng kalamidad, na nagtulak sa local government units na gamiting ang kani-kanilang calamity funds para matulungan ang mga apektadong magsasaka na mapagaan ang impact ng tagtuyot.
“The number of affected farmers and amount of crop damage could still go up when all reports are forwarded to our office,” lahad ni Villaluz sa isang panayam.
Sinabi rin na ang North Cotabato ay hindi kasama sa kanilang listahan ng mga probinsiya matatamaan ng sobrang init ng panahon, “pero, tuyo na rin ang mga sakahan at nakapipinsala na rin sa pagdaan ng araw.” PNA
Comments are closed.