KALINGA- WINASAK at sinunog ng Police Regional Office (PRO)-Cordillera ang marijuana na nagkakahalaga ng P48 milyon sa isang eradication operation sa Tinglayan sa lalawigang ito.
Sinabi ni Brig. Gen. David Peredo Jr., PRO-Cordillera director, nadiskubre ang plantasyon sa isang communal forest na may tinatayang land area na 8,000-square meters sa Barangay Loccong.
Winasak ang 240,000 fully-grown marijuana plants na nagkakahalaga ng P48 milyon.
Kumuha naman ng mga sample na isusumite sa forensic unit para sa pagsusuri.
“The collaborative effort underscores PRO-Cordillera’s steadfast commitment to safeguarding communities and upholding the rule of law,” ani Peredo. EVELYN GARCIA