NASABAT ng Bureau of Customs (BoC) Port of Subic ang nasa P48 milyong halaga na mga pekeng puslit na sigarilyo na nagmula umano sa bansang Cambodia.
Ang mga kargamentong nasabat ng mga awtoridad ay naglalaman ng mga pekeng sigarilyo na may mga brand gaya ng Mighty, Fortune, Marlboro at Two Moon brand cigarette.
Sa ulat ng Customs, naka-consign ang mga kargamento sa Shemala International Commercial Equipment Wholeselling.
Ayon kay Port of Subic District Collector Atty. Maritess Martin, inisyuhan na nang Customs ng Warrant of Seizure ang mga nasabing kargamento dahil sa paglabag sa National Tobacco Administration (NTA) Memorandum Circular No.079-2005 alinsunod sa Section 155 ng Relublic Act 8293 o Intellectual Property Code of the Philippines na.may kinalaman o kaugnayan sa Section 1113 of RA 10863 o ang Customs Modernization Tariff Act (CMTA).
Matatandaang nitong unang linggo ng Agosto unang nasabat ng Customs Subic ang may P78 Milyon na halaga ng mga puslit na pekeng sigarilyo. ROEL TARAYAO
740720 704472stays on subject and states valid points. Thank you. 915169
789228 379334you are in point of fact a good webmaster. The site loading velocity is remarkable. It seems that youre performing any distinctive trick. In addition, The contents are masterpiece. youve done a terrific activity on this topic! 824848
244822 696949Hello I identified the Free of charge Simple Shopping Icons Download | Style, Tech and Internet post quite fascinating therefore Ive included our track-back for it on my own webpage, continue the excellent job:) 827573