PINANGUNAHAN kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasinaya sa bagong gawang Sangley Airport.
Ang Sangley Airport Development Project (SADP) ay isa sa mahahalagang impraestruktura sa Build, Build, Build program ng Duterte administration at itinayo upang makatulong na maibsan ang masikip na Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Target na makumpleto ang Sangley Airport sa buwan ng Marso ngayong taon, subalit iniutos ng Pangulo sa Department of Transportation (DOTr) na pabilisin ang pagtatapos nito ng Nobyembre ng nakaraang taon.
Dahil dito ay iniutos naman ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang 24/7 construction work sa paliparan upang ma-katugon sa utos ng Pangulo.
Nagkakahalaga ng P486 milyon, ang Sangley Airport ay magagamit para sa general aviation operations.
Comments are closed.