KALINGA – Umaabot sa P49,600,000.00 halaga ng marijunana ang sinunog ng mga awtoridad makaraang salakayin ang ilang ektaryang plantasyon ng ‘damo’ sa kabundukan ng Tinglayan, kamakalawa.
Ayon sa ulat, tatlong araw na operation ang isinagawa ng mga operatiba ng PNP Drug Enforcement Group, Kalinga provincial police at PDEA-Ifugao sa may 14,200 square meters na plantasyon kung saan winasak ang 240,500 puno ng marijuana.
Bukod sa mga punong marijuana ay narekober din ang 1,000 seedling ng damo kung saan patuloy na sinusuyod ang ilang kabundukan sa Barangay Loccong sa Tinglayan simula pa noong Biyernes na nagtapos kahapon ng umaga.
Ang pagsalakay ay upang ma-clear ang lahat ng barangay sa nabanggit na bayan na apektado ng ilegal na marijuana na itinatanim sa mga kabundukan partikular na sa Kalinga.
Wala namang nasakoteng maintainer ng plantasyon ng marijuana na sinasabing nakatunog sa pagsalakay ng mga awtoridad kaya nagsitakas. MHAR BASCO
Comments are closed.